WIKANG PANLAHAT
Wika ay lubhang mahalaga sa lahat. Isa ito sa mga kasangkapan para sa
pagkakaisa. Bawat bansa ay may sariling wika.
Dito sa Pilipinas ay binubuo ng ilang rehiyon. Bawat rehiyon ay may
sariling dialekto. Pero kapag ang isang residente ng isang rehiyon ay
mangingibang "rehiyon", magkaiba na ang salita o wikang gagamitin.
Ngayon, kakailanganin na ang pambansang wika na "Wikang Filipino"
para magkaintindihan ang mga Pilipino sa loob o labas man ng bansa. Ang
wika ang siyang bigkis ng lahi!
Karaniwan nang napag-uusapan ang mga nangingibang bansa. Hindi lingid sa
ating kaalaman na marami sa kanila na unang pagkakataon pa lamang na
nahihiwalay sa kanilang pamilya. Maaaring takot at pangamba ang sasalubong sa
kanila sa una nilang pakikisalamuha sa ibang lahi. Syempre sa ibang bansa,
iba-ibang kultura at kaugalian ang iyong makikita at mararanasan. Karamihan sa
kanila ay hindi maka-agapay sa takbo ng buhay ngunit kapag nakakatagpo o nakakasalubong
ka man lamang ng kababayan mo marahil gagaan din ang iyong pakiramdam sapagkat
mayroon ka nang kakampi at kasangga sa mga panahong hindi ka pa nasasanay at
baguhan ka palang sa lugar na iyong kinaroroonan. Wika ang siyang tunat na
pagkikilanlan ng magka-babayan!
Saan man naroon, anumang oras at sandali, nagbubuklod ang kaisipan at
gawain ng bawat mamamayan dahil sa wika. Tulay para magkaisa, dapat
mapag-aralan ng mabuti, pagyamanin at mahalin, at higit sa lahat ipagmalaki ito
ng buong puso! Dahil sa wika ang mga tao ay nagkakaintindihan at nagkakasundo
kaya may "Pagkakaisa".
MAHALIN ANG SARILING WIKA!
No comments:
Post a Comment